Sunshine Television Network:Motoring TodayAuto FocusBusiness & Leisure
Motoring Today April 1, 2018 Full Episode
Watcth the latest (April 01 2018) full episode
advertisement
Auto Care Clinic | Apr 3 6:55 AM
Kung pang araw-araw na hugas lamang, maaring gamitan lang ito ng plain water at ilang malinis na basahan. Ang basahan nga pala, ay hindi pwedeng magaspang o may grasa. Kung maaari po ay gumamit tayo ng tinatawag na “chamois” na mabibili sa tindahan.
Kung napakadumi naman ng sasakyan, o kaya sa bawat linggo, kailangan nang gamitan ito ng wastong car shampoo. Maraming mga klase ang mabibili sa car shop. Kaya natin gustong gamitan ito ng wastong car shampoo at hindi plain na detergent na pang-laba ay dahil hindi ito makakasira sa pintura ng iyong sasakyan.
Kung ikaw mismo ang maghuhugas ng sasakyan, gawin mo ito kapag mababa pa lang, o pababa na ang araw. Mabilis matuyo ang tubig sa sasakyan, at makakaiwan ito ng mga pangit na “spots” at “streaks” kung hindi mo ito napunasan kaagad.
Bukod sa mga body panel, siguruhing mapunasan din ang mga singit ng iyong Isuzu gaya ng loob ng tailgate at ng mga pintuan.
Ngayon, ipapaalala ko na rin ang isang madalas na nakakalimutan ipahugas ng maraming may-ari: ang ilalim, at ang engine bay, ng sasakyan. Lalo na kung napalusob kayo sa baha o putikan na lugar, madudumihan ang underbody at engine bay ng iyong sasakyan.
Kung nangyari ito sa inyo, ipahugas ninyo ang underbody at engine bay sa mga qualified na tauhan. Huwag po natin pagsikapan na hugasan ang engine bay dahil baka mabasa pa natin ang mahahalagang piyesa gaya ng computer box!
Motoring Today April 1, 2018 Full Episode
Watcth the latest (April 01 2018) full episode